201502.03
0

Nestle, PBSP, AIM nag host ng youth forum para sa CSV

Pinamahalaan kamakailan ng Nestle Philippines, Philippine Business for Social Progress (PBSP), at ng Asian Institute of Management­Ramon V. del Rosario, Sr. Center for Corporate Social Responsibility (AIM­RVR Center forCSR) ang pagdaraos ng Creating Shared Value (CSV) Youth Forum, isang pagtitipon ng mga top undergraduate student mula sa limang nangungunang unibersidad sa Metro Manila.

Binuo ang forum upang mapalalim pa ang pagkaunawa ng mga estudyante sa CSV bilang mahalagang approach sa pagbuo ng inclusive business na makabuluhang tumutugon sa mga isyu at pangangailangang panlipunan habang itinutuloy ang corporate goals. Sa forum, hihikayat ang mga estudyante namaging future leaders na kaisa sa pagpapaunlad ng lipunan, at ibinabahagi ang pananaw at natutunan sa 2014 Global CSV Forum na ginanap noong nakaraang Oktubre sa Switzerland ng Nestle katuwang ang United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD). Nagtipun­tipon sa nasabing global event ang mga international leaders mula sa business, civil society at gobyerno upang talakayin kung paano maaaring makiisa ang mga sektor upang maitaas ang sustainable development samundo.

Lumahok sa forum, na idinaos sa SGV Hall ng AIM Conference Center sa Makati City ang mga estudyante na kumukuha ng kurso sa business at engineering sa Ateneo de Manila University, De La Salle University­Manila, University of Asia and the Pacific, University of the Philippines­Diliman at University of Santo Tomas.